Miyerkules, Pebrero 17, 2016

Ang Aking Pangarap




   MLG COLLEGE OF LEARNING INC.
         Brgy.Atabay Hilongos,Leyte





Proyekto sa Filipino II



Personal na Sulatin(Gamit)



Pasalaysay(Anyo )










Ang Aking Pangarap

                Lahat na naman siguro tayo ay nangarap habang tayo ay lumalaki. Bawat tao sa mundong ibabaw ay nais makamit ang kanilang inaasam-asam na pangarap sa buhay. Maaaring ito ay para sa sarili mo, o di kaya ay para sa kapakanan ng iba. Marami sa atin ang pipiliin na ang pangarap niya ay para sa kapakanan ng pamilya. Katulad ko, dahil ang nais lang naman nating mangyari ay makamit ang ating pangarap na napakatagal bago pa natin ito makamtan.
              Ang aking pangarap sa buhay? Siguro katulad lang din ng sa nakakarami, ang maiahon ko sa hirap ang aking pamilya. Masasabi mo kayang ang pangarap ko ay aking pangarap o pangarap sa pamilya. Para sa akin magkaparehas lang iyon. Nagsimula akong mangarap ng mamulat ako sa realidad na palagi na lamang kaming nakikitira sa aming kamag-anak tipong hindi na kami magkaroon ng sarili naming matitirahan. Hindi ka makakilos ng maayos sapagkat wala kang pag-aari sa loob ng bahay na iyon kundi ang iyong sarili lamang. Palagi ka na lamang sunud-sunuran sa iuutos ng iba para bang wala ka nang karapatan tumangi. Hindi naman siguro masama ang makitira sa iyong kamag-anak lalong-lalo na kung sila rin naman ang nagpaunlak na tumira ka sa kanila. Sa isip-isip ko, kaya siguro kami pinatitira kasi wala silang mautusan pero sa nangyari sa amin parang hindi naman siguro kasi tinatrato naman kami ng maayos ng aking mga tiyahin at tiyuhin bagamat alam nilang kanila ang bahay parang pinaaalam nila sa amin na itrato naming bahay ang kanilang bahay siguro ganoon talaga kapag kamag-anak mo, may malasakit talaga sayo.Noong mga oras na nakatira ako sa aking mga tiyuhin napagtanto ko ang kanilang mga personalidad sa tagal na rin ng aming pagsasama. Maaaring sa paningin ng iba ay parang mahigpit sa amin ang tiyuhin at tiyahin naming sa ngayon , masasabi kong tamang disiplina lamang ang gusto nilang gawin. Kaya ko rin siguro napagtanto na ang aking pangarap ay magkaroon kami ng aming pamilya ng sariling tirahan na masasabi kong sa amin talaga. Sa totoo lang marami na akong pinangarap noong bata pa ako pero aaminin ko karamihan doon ay pansarili lamang. Mabuti na lang at habang lumalaki ako nalaman ko kung ano talaga ang nais kong kamtin na pangarap at yun ay ang magkaroon kami ng aking pamilya ng sariling bahay. Maaring sabihin ng iba , ang babaw lamang ng pangarap ko, pero para sa akin ang makamtan ko iyon ay ang siyang bubuo ng aking pagkatao.
              Maaaring sa ngayon ay nasa maayos kaming kalagayan sa aming tinitirahan, pero hindi mo pa rin masasabi ang posibilidad na darating din ang panahon kailangan din naman naming magkaroon ng aming sariling tahanan. Hindi ako nangangarap ng isang mala-mansyong bahay , ang pinapangarap ko lamang ay ang bahay na binubuo ng aking pamilya na masasabi kong isang tahanan. At ‘yan ang aking pangarap.

-Dominique Correa Joya 
                                                                                                                       BSIT-3